Saturday, May 5, 2012

HAPPY BIRTHDAY REX JOHN PART 2

WELL, diba kahapon  lang ang birthday ni rex john pero ngayon may part 2 ang handaan. hahahahaha. ang sarap-sarap talaga ng cake pero sa huli ano ba yan parang wala nang mapagsisidlan ang tiyan ko sa pagkaing kinain namin.
Buti nalang at nalibre kami ng ulam ngayon. buti na rin yun kasi pauli-ulit lang ang mga kinakain namin at tsaka nka-save din ako ng pera ngayon. di kaya biro ang mga ulam dito sa iligan City. hahahahahaha. sana one day magkaroon dito ng tindahan na puro masasarap ang mga pagkain well to think na ayaw kong tumaba noh.

back to the part 2 handaan ni rex john, bumili siya ng goldilocks cake, isang buong litson manok na fried tapos isang bote ng Chamdor. hindi talaga namin tinigilan ang cake pero lahat kami ay busog noh. rare lang kaya kami makakin ng ganitong cake kasi estudyante pa kami at nagtitipid ng pera. hahahahahaha.  si kima nga gusto pang uminom ng chamrod, apti si nil at rex, kulang pa daw sa kanila ang isang bote. nakaktuwa... ako, ayaw kong tumikim parang ayaw ng panglasa ko kasi eh. hahahahaha

hay naku..kahit kaunti lang kami na nagsasalo-salo masaya pa rin kami, mga istoryang kahit saan na nakakarating, mga tawanan na singlakas at ang saya na kasama sila ay talagang hindi mo mababayaran. well, till next time. 

No comments: