May 1- Labor Day at naging maganda ang araw ko ngayon as if punong-puno ako ng energy sa araw na ito hindi ko alam kung bakit pero i know maraming rason. hahahahahahahaha.
SALAMAT naman at fiesta sa steeltown, iligan city. na-invite ako ni winx na pumunta sa kanilang bahay para dun makapag-tanghalian. wala naman akong ginawa buong maghapon so pumunta na lang ako para kumain at makipag-chika. muntik pa nga akong nawala noh salamat naman at sinundo ako ni alwina. hahahahaha.
kumain ako ng mga pagkaing hinanda sa pamilya ni winx. well. chika-chika to the max with friend, eat some and drink some. after how many minutes dumating na naman ang ilan kong friends at nagpatuloy ang pag-chichika namin hanggang sa kung anong topic na ang lumalabas sa aming mga bibig.
nang kumain aecko napasulyap ako sa aking bandang kanan. may nakita akong lalaking super duper cute, naka-checkered ito at maputi. ito ang unang napuna ko sa kanya, napasabi ako...pwede ha! talagang gwapo siya para sa akin,diyos ko kung babae lang sana ako talagang nabuntis ako. kakaiba ang karismang naramdaman ko sa kanya. ibang-iba sa mga lalaking nakikita at nakikilala ko. hay naku, buhay! bakit ba ganito? hahahahahaha. the story is papaalis na sila ng tinawag ko si winx para may picture kaming dalawa. una, ayaw ko pero nung tinawag na ni winx, sinabi ko sa sarili ko.."dios ko, sayang naman ang grasya" so ginawa ko na. total hindi naman siya ma-iinlab sa akin noh. imposible kaya yun.
ang sa akin lang, eh may inspirasyon ako. tulad nito...ang sarap tignan na nakangiti siya.
abot-langit talaga ang mga ngiti ko. hahaay. sana maulit muli! <3 <3 <3
credits to :
salamat sa iyo ALWINA. HAHAHAHAHAHA. nang dahil sa iyo naging posible ang mga bagay-bagay sa akin sa araw na ito.





No comments:
Post a Comment